Mga alagang hayop binasbasan sa pagdiriwang ng kapistahan ni St Francis of Asisi kahapon

CAMARINES NORTE- Binasbasan ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet at mga kasama nitong pari ang mga alagang hayop ng mga nagsimba kahapon sa Holy Trinity Cathedral dito sa bayan ng Daet sa pagdiriwang ng pista ni St. Francis of Asisi  kasabay din ng pagdiriwang ng World Animal Day.

Si St Francis of Asisi ay itinuturing na patron saint ng mga hayop at kapaligiran.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Iba’t ibang klase ng aso ang dinala sa simbahan upang mabasbasan.

Pagpapaalala ito sa lahat sa kahalagahan ng responsableng pag aalaga ng mga hayop lalo na ang mga aso.

Dito sa lalawigan ng Camarines Norte ay pinaigting ang kampanya sa responsible pet ownership alinsunod na rin sa umiiral na batas at local na ordinansa.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang mga Municipal Agriculture Office sa iba’t- ibang bayan ay nag iikot upang i- rescue ang mga hayop lalo na ang mga aso na pakalat- kalat sa kalsada na posibleng maging dahilan ng disgrasya.

Patuloy namang pinapaalalahanan ang lahat ng mga nag aalaga ng hayop na maging responsable.