Ordinansang magpapataw ng mas mababang bayarin sa Rapid Antigen Test inihain sa SB Basud

CAMARINES NORTE- Naghain ang Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ng isang panukalang ordinansa na magpapataw ng mas mababang bayarin sa Rapid Antigen test sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Saklaw ng testing services ang mga residente sa naturang bayan at ang mga nagtatrabaho dito ng hindi bababa sa isang buwan batay na rin sa certification ng Punong Barangay.

Sa ilalim ng ordinansa mas mababa ang singil sa Antigen test na aabot lang sa P300.

Ang mga kliyente naman na may dalang testing devices at kits ay magbabayad lang ng P50 para sa laboratory service fee.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Habang ang senior citizens, persons with disability at estudyante ay mayroong 20% discount.

Sa ilalim ng ordinansa ay gagawin ang pagbabayad sa Municipal Treasurer’s Office o sa Municipal Health Office

Ang nakolekta o maiipong bayad  ay mapupunta sa Trust Fund na gagamitin lang para sa pagbili ng Rapid Antigen Testing kits.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa sandaling ideklara ng mga kinauukulan na tapos na ang pandemya ang naipong pondo ay ililipat sa General fund.

Exempted sa pagbabayarin ng Rapid Antigen Test ang lahat ng government employees partikular ang mga nagtatrabaho sa Lokal na Pamahalaan ng Basud na ire- require na sumailalim sa naturang test para sa may Official Business sa labas ng bayan o probinsiya.

Kasama rin sa exemption ang mga aktibidad na may kinalaman sa LGU at para sa COVID- 19 case management purposes.

Nagkatakda na ng public hearing ang SB para s anaturang panukalang ordinansa