Mga ahensya ng gobyerno na may ‘police power’ marapat lang umanong magtulungan sa pagtugis kay Guo

Binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na marapat lang na magtulungan ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na may ‘police powers’ sa paghanap kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos mabigo ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) sa pagtunton kay Guo sa kanyang residential at maging garment factories sa Valenzuela, Balintawak at maging sa Bulacan sa kanilang isinagawang pagsisilbi ng arrest order laban dito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Estrada, maganda rin umano kung susuko na lang ito ng boluntaryo sa Senado lalo na’t kung hindi pa ito nakakalabas ng bansa.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Maalala, matapos ang naging operasyon ng OSAA at ng awtoridad nitong nakaraang araw ay matagumpay nilang naaresto ang ating accountant ni Guo na si Nancy Gamo at ayon sa medical examination na isinagawa sa kanya ay nasa mabuti naman itong kalagayan.