Pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang nalalapit na pagsasalin ng puwesto para sa susunod nilang kalihim.
Ayon kay DepEd spokesperson at undersecretary Atty. Michael Poa, sa July 18 gaganapin ang turnover ceremony ni outgoing DepEd secretary at Vice President Sara Duterte kay incoming DepEd Secretary Senador Sonny Angara.
Sa ngayon ay isinasapinal na lamang umano nila ang mga detalye para sa gagawing seremonya.
Maliban dito ay inihahanda na rin nila ang transition report, o ang report na naglalaman ng mga accomplishments ng ahensya na inaasahang maisusumite sa mambabatas ngayong linggo.
Samantala, sinabi ni Poa na nakapulong na nila si Angara upang pag-usapan ang overview sa DepEd.