Metro Manila handa na sa mas mababang quarantine restrictions – OCTA

Naniniwala ang OCTA research group na handa na ang Metro Manila para sa mas mababang COVID-19 quarantine restrictions.

Ayon kay OCTA fellow Guido David kung pagbabasehan ang average daily attack rate (Adar) sa 17 local governments ng National Capital Region, masasabing nasa low risk na ito.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Paliwanag ni David batay sa mga datus na kanilang nakakalap kumbinsido silang ligtas na para muling buksan ang mga negosyo sa economic center ng bansa.

Wala umanong rason ayon sa OCTA para patagalin pa ang pagbababa ng restrictions sa NCR dahil wala namang banta ng kahit anong COVID-19 variant sa lugar.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Magugunitang nanawagan ang mga nasa private sector na ibaba na sa alert level 2 ang COVID-19 status sa Metro Manila para tuluyan makabawi sa pagkalugi ng kanilang mga negosyo.