Comelec dumipensa sa ₱535.99-million contract sa F2 Logistics

Dumipensa ang Commission on Elections sa pagbibigay ng ₱535.99-million contract sa F2 Logistics na konectado sa Davao businessman na si Dennis Uy.

Ilang mga kritiko kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umalma lalo’t kilala si Uy bilang isa sa mga campaign donors noong tumakbo ito sa pagka-pangulo.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, walang basehan ang mga pangamba ng mga kritiko na baka ma-manipula ang resulta ng halalan sa 2022.

Paliwanag ni Jimenez, ang magiging papel lamang ng F2 Logistics ay ang paghahatid ng mga balota, vote counting machines, at mga election paraphernalia sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Dagdag pa ng opisyal, nakabantay din ang Comelec mula sa loading hangang sa unloading ng mga election suplay kaya imposible umanong mangyaring ma-impluwensiyahan nito ang kalalabasan ng eleksiyon katulad nang gustong palabasin ng mga kritiko.