‘Metrics para isailalim sa Alert level 4 ang Metro Manila, kulang pa’ – DILG

Kulang pa ang mga metrics para tuluyang isailalim sa Alert Level 4 ang National Capital Region ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay sa kabila na naitalang all-time high na 28,000 COVID-19 sa loob ng isang araw kung karamihan sa kaso ay naitala sa Metro Manila.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Paliwanag ni Interior Sec. Eduardo Año kung titingnan ang mga merito katulad ng healthcare utilization, hindi pa ito pasok sa mga criteria para magdeklara ng mas mahigpit na COVID-19 restrictions.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Subalit nilinaw ni Año na hindi nila isinasantabi na posible itong mangyari sa mga susunod na araw.

Pinaalalahanan naman ng kalihim ang publiko na agad magpatupad ng self-restrictions kapag nakahalubilo ang isang COVID-19 patient o makaranas ng anumang sintomas ng viral disease.