Ipinaliwanag ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 na kailangan nang kumuha ng clearance sa kanilang tanggapan ang mga menor de edad na bibiyahe sa ibang bansa ng mag-isa.
Ito ang ipinaalala ni DSWD Focal Person for Minors Traveling Abroad Geselle Cipriano sa mga social workers na sumailalim sa pagsasanay upang maunawaan ang posibleng mga kaso ng human trafficking.
Ang pagkuha ng clearance ay hakbang din upang maiwasan ang pang-aabuso at pananamantala sa mga kabataan na bibiyahe patungong ibang bansa.
Kabilang sa mga indibidwal na kailangang kumuha ng travel clearance ay ang mga minors na bibiyahe sa ibang bansa gamit ang kanilang Philippine passport, mga kasama ang kanilang prospective adoptive parents, at iba pa.
Isang taon ang validity ng nasabing travel clearance mula sa araw na inisyu ito.
Sa datos ng kagawaran hanggang ika-11 ng hulyo ay mayroon nang 908 na menor de edad ang nabigyan ng travel clearance.