Anti-political dynasty, inihain na sa Senado

Inihain na ngayong araw ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla ang Anti-Political Dynasty Bill sa Senado.

Layunin ng nasabing panukalang batas na tugunan ang mandato ng 1987 Constitution na pigilan ang pagkakaroon ng political dynasties sa gobyerno.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Anya, lumalabas kase sa datos ng Philippine local elections mula noong 1988 hanggang 2019 na tumaas na sa tatlumpu’t siyam na porsyento ang bilang ng mga gobernadora na nagkakaron ng kamag-anak sa pwesto.

Dagdag pa niya, ayon sa isang pag-aaral, nagkakaroon ng mas mataas na pondo ang mga lugar na may political dynasties bagamat mas mataas din ang mga krimen na nauulat mula rito.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Alinsunod nito, binigyang-diin niyang importanteng mawala ang mga ganitong balakid upang mas mapagserbisyuhan ng maayos ang publiko.