Mega rollback sa presyo ng produktong petrolyo hirit ng mga tsuper sa Camarines Sur; malawakang transport strike asahan kung di mapagbibigyan

NAGA CITY- Hindi sapat ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo nitong Martes na umabot lamang sa P11.45 bawat litro sa diesel dahil umabot sa labing isa sang sunod-sunod ang pagtaas noong mga nagdaang linggo.

Kasunod nito nagkaroon ng online protest para sa Mega Rollback. Lahat ng sektor inimbitahan ng Concerned Drivers and Operators- Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (CONDOR-PISTON). Alas sinco ng hapon-kahapon , nagkaroon ng noise barrage , bumusina ang mga nasa transport sektor.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung hindi mapagbibigyan ng pamahalaan, magkakaroon ng malawakang transport strike hindi lamang sa Camarines Sur kundi sa buong bansa ayon kay Joel Pillogo ng naturang grupo.

Sinabi nito sa Brigada News FM Naga na bagamat nagpapasalamat sila na nagkaroon ng rollback noong Martes, hindi pa rin ito sapat dahil nito lamang buwan ay aabot sa mahigit P19.00 ang itinaas.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Pagbibigay diin pa ni Pillogo, hindi naman dapat na irason ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, hindi naman aniya langis ang inaangkat sa mga bansa sa European Counties ng Pilipinas kundi harina.