CAMARINES NORTE- Nanatili pa rin sa 44 ang Variants of Concern sa lalawigan ng Camarines Norte pagkalipas ng halos limang buwan.
Hindi na nga nadagdagan ang Delta at Beta COVID- 19 variants simula Oktubre ng nakaraang taon.
Batay sa pinakahuling Biosurveillance report ng Department of Health as of March 23 ng taong kasalukuyan nananatili sa 37 ang mga kaso ng Delta na nagmula sa sa mga bayan ng Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena, Talisay at Vinzons.
Habang ang Beta naman na isa sa variant na responsible sa pagtaas ng kaso sa noong isang taon ay nanatili sa 7 na mula sa Daet, Jose Panganiban, San Vicente at Sta Elena.
Nadagdagan naman ng 25 VOCs ang buong Bicol Region na ang pinakamarami pa rin ay Delta.
Umaabot na sa 640 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa rehiyon, 288 na Omicron, 127 Beta at 56 na Alpha.
Sa kabuuan nasa 1, 111 na ang VOCs sa buong rehiyon.
Paglilinaw naman ng DOH na ang bilang na ito ay base sa specimen na isinumite sa Philippine Genome Center at hindi nagpapakita ng kabuuang bilang ng circulating variants sa komunidad.
Maaari umanong i- revise ang datos na ito base sa ginawang imbestigasyon.
