CAMARINES SUR- Ilang araw nang naka Alert Level 2 ang Bulkang Mayon, nagkaantabay ang mga lokal na pamahalaan sa Albay sa abnormalidad ng bulkan. Pero maliban sa kanila naka monitor din ang ilang bayan sa Rinconada Area sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Baao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Vincent Paz, binanggit nito na may mask pa naman sila na maaaring maipamahagi sa mga paaralan. Umabot sa isang linggo noon ang epekto sa naturang bayan, kaya kasama na ito sa kanilang contingency plan. Gayunpaman ang hiling niya ay huwag nang pumutok ang Mayon.
Enero 2018 nang umabot sa Camarines Sur ang abo mula sa nasabing buklan. Sa monitoring noon ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) maghapo’t magdamag na umuulan ng abo sa mga bayan ng Buhi, Bula, Bato, Baao, Batalan, Nabua at lungsod ng Iriga tuwing nag-aalburuto ang bulkan sa bawat time interval.
Naging alerto noon dahil sa posibleng kasong may kaugnayan sa ashfall tulad ng eye at skin irritation pati upper respiratory tract infection.