Evacaution centers sa Albay, inihahanda na para sa posibleng paglikas ng mga residente kaugnay ng pagtaas ng alert level ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Inihahanda na ngayon sa lalawigan ng Albay ang mahigit 100 mga evacuation centers para sa posibleng paglikas ng mga residente matapos na itaas ang Bulkang Mayon sa Alert Level 2 mula sa Alert Level 1.

Nasa kabuuang bilang na 115 evacuation centers umano ang inihahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol kasama ang mga lokal na pamahalaa sa lalawigan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon kay DSWD Bicol Spokesperson Marygizelle Mesa, nagsimula na silang bumisita sa mga evacuation centers sa lalawigan partikular sa mga nasa malapit sa paanan ng bulkan.

Isinagawa ito sakali mang mag-utos na ang mga otoridad ng pre-emptive o mandatory evacuation at upang tiyakin na ligtas ang kanilang mga matutuluyan.

Samantala, sa huling datos mula sa DSWD Bicol, aabot sa 64,000 ang mga nakahandang family food packs at halos aabot naman sa 53,000 ang non-food items.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Maliban dito, mayroon pa silang PHP8.4M halaga ng stockpile ng food items habang PHP42.3M naman para sa non-food items na handa na para sa repacking.

Bukod diot, mayroon ding standby fund ang ahensya na nagkakahalagang PHP5M para sa karagdagang pambili ng mga food packs at iba pang kits.