Mavericks kampeon sa West Conference

Ibinaon ng Dallas Mavericks ang Minnesota Timberwolves sa mismong homecourt nito sa Game 5 ng NBA Western Conference Finals.

Tuluyan nang tinapos ng Mavericks ang serye 4-1 matapos tambakan ang Minnesota sa score na 124-103.

Pinatunayan nina Luka Doncic at Kyrie Irving na sila ang best backcourt combo ngayon sa liga matapos humakot ng combined 72 points.

Hinirang naman bilang WFC Finals MVP si Doncic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *