NAGA CITY – Tuloy ang paglobo ng mga bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19 sa Naga City at maging sa buong Camarines Sur, dahilan para mapuno ang bed capacity ng mga infected sa Bicol Medical Center.
Agad namang kumilos ang City Government , binuksan na ang bagong gusali na Sta. Cruz High School bilang isolation and treatment facility.
Inihayag sa Brigada News FM Naga si Liga Pres. Antonio “dodit” Beltran at sinabi nitong may 40-bed capacity ang naturang pasilidad ,bilang karagdagan sa 40 beds ng City College of Naga Isolation and Treatment Facility at ng 10-12 beds pa ng Our Lady of Lourdes Infirmary.
Bukod pa din anya diyan ang 400 bed capacity quarantine facility sa Camarines Sur National High School Liboton Campus.