CAMARINES NORTE- Pinangangambahang maulit muli ngayong taon ang matinding problema sa kakapusan sa suplay ng tubig sa Camarines Norte na nangyari noong 2019 dahil sa banta ng El Niño na posibleng maranasan simula sa Hulyo.
Maging ang Primewater ay hindi masabi kung hanggang saan ang lawak ng problema na posibleng idulot ng matinding init ng panahon.
Ayon kay Branch Manager Mark Anthony Muroda II, bagamat mayron umanong mga ginawang proyekto ang Primewater upang ma- mitigate ang posibleng epekto ng tag- init at El Niño ay hindi nito masabi kung hindi na mauulit ang dating problema.
Mayroon naman umanong ginawang source development project ang Primewater tulad ng Dagotdotan Facility na mula sa 12, 000 na cubic meter capacity ay naging 15, 000.
Nariyan din ang Alawihao source development project at mayroon pa aniyang kikukunsiderang spring development na malaking tulong din para mapanatili ang suplay ng tubig.
“Sabihin natin na meron na tayong mga project na nakalaan to mitigate but to totally say na hindi na mauulit, it’s beyond our control, why, kasi nature eh, we cannot say kung gaano kalala yung parating na El Niño,” ani Muroda.
“Now again, to say na prepared tayo, nag- prepare tayo, pero kung ano yung extent ng El Niño hindi natin masasabi yun.”
Sa kabilang dako, sagana naman daw ang kanilang surface water na susuporta sa Daet, South, Basud at Mercedes.
Pero ito din naman ang pinoproblema kapag nakakaranas ng pag ulan dahil naman sa mataas na turbidity level.
“Sa surface water natin we can say na abundant siya kasi very minimal pa lang naman ang extraction natin no, and that will support yung Daet South, Basud and then Mercedes and then may option na tayo na papasukin siya dito sa ibang influence area ng spring, using yung tangke natin sa Camambugan, for Daet na nangyari nung 2019, yung Dogongan- Alawihao, meron nang Alawihao source dev, so at least yung area na yun safe guarded na, na pag nangyari yun may pagkukunan tayo no,for the springs kasi yun yung affected meron tayong isang spring din na dine- develop ang tingin namin dito is this is one half of the capacity ng Boro- Boro so with that in play , we can say na meron tayong pagkukunan if ever na bumaba yung supply natin.”
