Bigas na ipinamahagi sa programa ng PPC Gov’t, kinuwestiyon ng isang dating konsehal

Kinuwestiyon ng isang dating konsehal sa Puerto Princesa City ang timbang ng ipinamahaging bigas sa programa ng Pamahalaang Panlungsod na para sa mamamayan nito.

Ayon kay Atty. Peter “Jimbo” Maristela, may mga nagsabi at nagtatakara umano ang mga ito kung bakit walong (8) kilo lamang ang timbang ng bigas na natanggap nila ngunit 10Kls. ang nakalagay sa sako ng bigas.

“May mga nagsabi lang sa akin. Nagtataka lang sila.” Ani ng dating Konsehal

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Samantala, nilinaw ni City Information Officer Richard C. Ligad na bago magsimula ang “Ugnayan sa Barangay” ay ipinaliliwanag na umano sa makakatanggap ng bigas na walong kilo lamang ang ipamimigay.

Paliwanag pa nito, walang available na sako na tig-walong kilo kundi tanging sampung kilo ang available kaya iyon na lamang daw ang pinaglagyan.

Iginiit ng opisyal na walang nakawan na nagaganap sa bigas at matagal na rin umano itong alam ng mga barangay na makakatanggap.

“Para po sa kaalaman ng lahat, bago po mag simula ang programa sa ugnayan sa Barangay, ay ipinapaliwanag na po kaagad sa makakatanggap ng bigas na ang ipinamimigay ay walong kilo lamang po. Kaya lang po , walang available na sako na tag walong kilo. Tag sampong kilo lang po ang available na sako. Kaya dyan po sya in ilagay. Wala pong nakawang nagaganap dyan, dahil nakalagay po sa p. R ng order ng city Government ay tag walong kilo lang po. Matagal na po yan at alam din po yan ng mga Barangay na makakatanggap.” CIO Richard C. Ligad

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City