Mataas na singil sa kuryente sa Camarines Sur ngayong Hulyo , ipinaliwanag

NAGA CITY- Taas kilay at kamot ulo ang maraming mga taga Naga City at Camarines Sur nang makita ang kanilang electric bill para ngayong Hulyo ang ilan idinaan pa sa social media ang reklamo.

Sa Camarines Sur I Electric Cooperative o CASURECO I, pumapalo sa mahigit P16.33/kWh ang residential , sa CASURECO II P16.46/kWh habang umaabot sa mahigit P15.22/kWh sa CASURECO III at ang pinaka mababa ay sa CASURECO IV na umaabot naman sa mahigit P9.84/kWh sa residential.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa mga kooperatiba , CASUREO II ang pinaka malakai, ilang bayan ang sakop sa Camarines Sur kasama na ang Naga City, pinakamahal din ang rate. 

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rinner Bucay, spokesperson ng nasabing kooperatiba sinabi nitong nakapataas ng generation charge. Ramdan ito hindi lamang CASURECO II. Aniya mahal ang bentahan ng coal ga gamit na panggatong sa pagproduce ng kuryente , idagdag pa mahal na presyo ng produktong petrolyo at mataas na demand ng kuryente.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya hindi pare-pareho ang laki ng kooperatiba kung mataas ang demand sa kuryente, mas mataas din ang pangangailangan ng coal. Iba-iba rin ang supplier, ang iba aniyang kooperatiba renewable energy ang gamit halimbawa solar at geothermal.

Binanggit ni Bucay na kung magbubukas muli ang nuclear power plant sa bansa makatutulong ito sa supply lalo na sa Luzon.

Sa huli ang payo nito, magtipid sa paggamit kuryente.