Senado nakatakdang magconvene para buksan ang 19th congress

Nakatakdang mag-convene ang Senado ngayong umaga para sa pagbubukas ng 19th Congress.

Si Acting Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, ay inaasahang mangunguna sa pagbubukas ng First Regular Session at elksiyon ng mga opisyal sa Senate Plenary Hall.

Ang mga Senador ay inaasahang maghahalal ng kanilang mga opisyal para sa bagong Kongreso, kabilang ang Senate President nito, Senate President Pro-Tempore, Majority Leader, Secretary at Sergeant-at-Arms.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Kung masusunod ang napagkasunduan ng majority group sa Senado si Zubiri ang mamumuno sa Upper Chamber bilang ika-24 na Senate President nito.

Sasalubungin din ng Senado ang 12 sa mga bagong halal na senador – kabilang ang tatlong first-timer, apat na re-elected at limang nagbabalik senado.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ang mga neophyte senator ay kinabibilangan nina Sen. Robin Padilla , Sen. Raffy Tulfo at Sen. Mark Villar habang ang limang nagbabalik na Senador sina Alan Peter Cayetano , Sen. Chiz Escudero , Sen. JV Ejercito , Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Loren Legarda.