Mass COVID-19 testing, mahirap na maisakatuparan sa Catanduanes; pamahalaang panlalawigan, planong bumili ng sariling RT-PCR machine

BICOL—“Mahirap na maisakatuparan ang pagsasagawa ng Mass COVID-19 testing sa islang probinsya ng Catanduanes.”

Iyan ang inihayag ni Gov. Joseph Cua, sa isinagawang press conference nitong nagdaang linggo.

Ayon sa opisyal, hindi kakayanin ng probinsya ang posibleng maging epekto nito bunsod ng kakulangan ng ospital at quarantine facilities na paglalagyan ng mga indibidwal na mag po-positibo sa sakit.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hindi rin aniya kakayanin ng pamahalaang panlalawigan ang gastos sa mga maaapektuhang mamamayan kung sakaling magpatupad ng granular lockdown sa mga lugar na pinagmulan ng mga residenteng tinamaan ng sakit.

Sa halip na mass testing, ang naiisip nilang solusyon ay mapalakas at mapalawak pa ang nagpapatuloy na vaccination roll out sa probinsya dahil  naniniwala aniya silang mas madami na ang interesadong magpa bakuna ngayon kumpara sa mga residenteng natatakot at nag-aalinlangan pa ring magpaturok.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa huli, inihayag din ng gobernador na nagpa plano ngayon ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes na bumili ng RT-PCR machine na ilalagay sa border at control at EBMC upang mas mapabilis ang COVID testing sa nasabing lalawigan.###