Lalaking may kasong murder arestado sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Isang lalaki ang naaresto sa ikinasang Manhunt Operation ng pinagisang pwersa ng mga otoridad dakong 9:50 ng umaga nitong sabado sa Houseware Plaza Supermarket, Brgy Magang, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si CHRISTIAN LIZABA Y AQUINO, 29 anyos at residente ng P-1 Brgy Awitan Daet, Camarines Norte.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Si LIZABA ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na  ipinalabas ni Hon. Judge Manuel B Sta Cruz Jr ng RTC National Capital Region, Branch 226, Quezon City sa petsang September 15, 2014 na walang rekomendadong piyansa.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Ang arestado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.