SORSOGON CITY — Pumang-apat ang Masbate sa buong rehiyon ng Bicol sa may mga nadeklarang drug-free barangay.
Napagsikapan ng Police Provincial Office sa lalawigan na iangat sa 290 barangay ang makokonsiderang malaya na sa salot na dulot ng iligal na droga.
Ayon sa pamunuan ng Philippine National Police sa rehiyon, ang pinakalayunin umano ng ahensya ay makamit ng isang komunidad ang pagiging matatag pagdating sa iligal na gawaing may kaugnayan sa droga.
Layon din umano nila na magkaroon ang bawat baranggay ng kakayahang magupo ang droga ayon sa sarili nitong pamamahala at pamamaraan.

Dagdag pa ng ahensya na kinakailangang may aktibong partisipasyon ang mga opisyal ng barangay sa pagsusulong ng anti-illigal drug campaign
Iniaatang naman sa Sangguniang Kabataan ang responsibilidad ng pagpapanatili ng pagiging drug-free status ng lugar.
Tapat umano ang kapulisan sa buong rehiyon sa kanilang mandato na ipagpatuloy sa natitira pang mga barangay ang nasimulan para mapakawalan ito sa tanikala ng mapaminsalang droga, ayon pa sa pamunuan ng ahensya.