Biden sa mga American citizen sa Ukraine: ‘Leave now’

“Leave now.”

Ito ang pakiusap ni US President Joe Biden sa kaniyang mga kababayan na nasa Ukraine, sa gitna ng tumataas na tensiyon sa pagitan ng nasabing bansa at kalapit nitong Russia.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Babala ni Biden, kinahaharap nila ngayon ang isa sa pinakamalaking armies sa mundo, kung saan iba umano ang sitwasyon na ito.

Mababatid na miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Amerika, kung saan posible ring mapabilang ang Ukraine, na mahigpit namang tinututulan ng Russia.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Sinasabing nakapuwesto na umano ang daang-libong tropa ang Russia malapit sa border ng Ukraine.

Giit ng US presidente, world war ang mangyayari sakaling magbarilan ang Americans at Russians. //MHEL PACIA-TRINIDAD