Mas mataas na recoveries sa COVID-19 muling naitala sa Bicol

BICOL—Muling nagtala ng mataas na bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 ang Bicol region kahapon.

Pumalo ito sa 244 kung saan 141 ang mula sa Camarines Norte, 45 sa Catanduanes, 30 sa Sorsogon, 27 sa Naga City at isa mula sa labas ng rehiyon.

Bunsod nito pumalo na sa 35,511 (78.21%) ang total recoveries sa COVID-19 habang mas bumaba naman ang bilang ng aktibong kaso na nasa 8,392 (18.48%) na lamang.

121 ang mga bagong kasong nadagdag kahapon kung saan 48 nito ay mula sa Camarines Sur, 13 ang naitala sa Naga City, tigwalo ang Magarao at San Jose, lima sa Goa, tigtatatlo ang Bato, Iriga City at Tinambac at tig-iisa naman ang Calabanga , Lagonoy, Nabua, Pili at Sipocot.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

25 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan walo ang mula sa San Andres, lima sa Gigmoto, apat sa Virac, tigtatlo ang Baras at San Miguel at tig-isa ang Bato at Pandan.

22 ang bagong kaso sa Albay kung saan walo ang mula sa Legazpi City, lima sa Guinobatan, tatlo sa Ligao City, dalawa sa Daraga at tig-iisa ang Camalig, Libon, Polangui at Rapu-Rapu.

Ang Sorsogon ay may 16 na bagong kaso kung saan anim ang mula sa Irosin, apat sa Sorsogon City, tatlo sa Bulan at tig-iisa ang Casiguran, Castilla at Gubat.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Pito ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tigdalawa ang Labo at San Lorenzo Ruiz at tig-iisa naman ang Santa Elena, Talisay at Vinzons. Tatlo ang bagong kaso sa Masbate na mula sa Mandaon, Masbate City at Milagros.

Sa kabuuan ay pumapalo na sa 45,407 ang cumulative cases ng COVID-19 sa Bicol region. Pumalo na rin sa 1,504 (3.31%) nito ang mga nasawi matapos madagdagan ng anim kahapon.

Apat nito ay mula sa Camarines Norte at dalawa sa Camarines Sur. Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm