LEGAZPI CITY – Himas rehas na ang suspek matapos magpositibo ito sa buy bust operation sa Purok 1, Brgy. Eztansa lungsod ng legazpi.
Kinilala ang suspek na si Juan Lara Rodriguez Jr. a.k.a “Pay Jun” 58 anyos residente ng nasabing barangay. Ayon sa report, hapon ng ikasa ng mga awtoridad ang Anti-Illegal Drugs Operation sa nasabing lugar kung saan kumagat sa pain ang suspek ng bentahan nito ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu sa halagang P6 500.
Narekober sa kanya ang isa pang sachet na suspected shabu at pera na ginamit sa pakikipagtransaksyon na ilegal na droga. Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.