19 na barangay sa Camalig, Albay mananatiling liquor ban dahil sa mga aktibong kaso ng COVID-19

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Mayor Caloy Baldo ng Local Government Unit (LGU) Camalig Albay, lifted na ang liqour ban sa 31 barangay dahil sa wala na umanong naitatalang kaso ng coronavirus disease (covid 19).

Ayon kay Baldo, 19 na Barangay na lamang ang mananatiling Liqour Ban o pagbabawal sa pag inom ng alak at iba pang inuming nakakalasing sa nasabing bayan. Dahil sa mayroong presensya ng aktibong kaso ng covid 19.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kabilang sa mga ito ang barangay na may kaso pa ng naturang sakit kung saan pinakaraming naitala ang barangay Tagaytay na may 13 active cases, sinundan ng Barangay Palanog na may siyam na kaso, pumangatlo ang Barangay Baligang na pitong kaso ng nasabing sakit, Quirangay apat, tigdadalawang kaso ng covid 19 ang barangay Binitayan, Calabidongan, Cotmon, at Sua habang tig iisang kaso naman ng covid 19 ang Barangay Anoling, Cabangan, Caguiba, Ilawod, Libod, Salugan, Sumlang, Taladong, Taplacon, Brgy. 5 Poblacion at ang Barangay 7 Poblacion.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

 Ang mga nabanggit na barangay na may kaso ng covid 19 ay patuloy din naman magbibigay ng relief food packs sa mga nakalockdown na tahanan. Pakiusap ng Alkalde, sundin ang mga health protocols laban sa covid 19 upang tuloy tuloy na ang pagbaba ng nagpopositibo sa nasabing virus.