NAGA CITY- Seguridad ng mga kabataan, mga estudyante at mga empleyado na umuuwi kung gabi ang pangunahing dahilan kaya nais ng mga barangay opisyal ng Naga City na higpitan ng Naga City Police Office ang pagbabantay.
Ayon kay Tinago Punong Barangay Estelita Bautista inalis na tig-dadalawang pulis na dati naka-assigned sa kanilang barangay.
Bagamat may mga nagro rondang mga tanod sa gabi, kasama ang ilang mga kagawad ay hindi sapat para matiyak ang seguridad ng kanilang mga nasasakupan.
May ilang mga malalaking paaralan sa kanilang barangay, bukod pa sa mga commercial establishments.
Ayon sa kanya, malaking tulong sa kanila ang mga pulis na nasa lugar nila, lalo na kung gabi, kaya sana ay ibalik uli ang mga ito. Ang kahilingan niyang ito ay plano niyang idulog sa kanilang liga.
Ayon kay PSMS Toby Bongon tagapagsalita ng Naga City Police Office may tig dadalawang pulis na nag-iikot, nainam din aniya kung ang 27 na barangay sa Naga ay may naka duty na tanod tuwing araw.
Ang pahayag ay kaugnay ng napaulat na tangkang pangunguha ng bata sa Concepcion Pequeña.