Ambag ng turismo sa pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya, inilatag ng Albay PTCAO

LEGAZPI CITY – “Major industry” umano kung maituturing sa tuwing mapag-uusapan ang world economy noong panahong bago magpandemya ayon sa Albay Provincial Tourism and Cultural Arts Office (PTCAO).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Billy Balin, supervising tourism operation officer ng nasabing tanggapan, bago ang pandemya ay maunlad ang turismo hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Kung Albay naman umano ang pag-uusapan, nasa Top 10 ito pagdating sa Most Visited Provinces sa buong bansa sa kaparehong peryodo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nangangahulugan lamang, aniya, na malaki ang ambag ng industiya ng turismo sa pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya ng lalawigan at ng bansa, kung saan hindi lamang ito nakatuon sa isang sektor.

Isa umano itong multi-sectoral na industriya na kinabibilangan ng mga hotel, restaurants, accomodations, mga destinasyon, cottages.

Aniya, lahat ng mga bagay kung saan ang isang turista ay gumagastos ay nagiging bahagi ng isang tourism enterprise.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Malaki naman ang paniniwala ni Balin na ang turismo ay may malaking ambag sa gobyerno dahil ito ay tungkol sa paggamit ng pera at maituturing na isang negosyo.

Tulad na lamang umano ng ilang mga pasyalan sa Albay na ino-operate ng mga LGU o ng pamahalaang panlalawigan kung saan ang bawat accomodation o entrance fees ay napupunta sa naturang mga pamahalaan.