Mas mabigat na parusa sa mga namemeke ng vaccine cards at medical certificates, isinulong sa Kamara

Isinusulong ngayon sa mababang kapulungan ng Kongreso ang isang panukala na naglalayong patawan ng mas mabigat na parusa ang mga namemeke ng medical certificates pati na nang COVID-19 vaccination cards.

Sa House Bill no. 9946 nakasaad ang kahalagahan ng naturang mga dokumento sa mobility ng publiko ngayong may pandemya.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Kasabay nito marami din ang report ng pamemeke ng medical record at vaccination cards para lamang makuha ang benipisyo ng bakunadong indibidwal.

Tinukoy naman sa panukala ang pag-amyenda sa article 174 ng revised penal code para sa lalabag sa naturang batas.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Batay sa House Bill itataas sa 6 na buwan hangang anim na taong pagkakakulong at multang aabot sa P250,000 ang sinumang indibidwal o doktor na mapapatunayang nameke ng vaccination cards, medical at laboratory results at kahalintulad na mga dokumento sa panahon ng national health emergency.