Mahigit 100 patay matapos tangkain ng ISIS na pasukin ang isang kulungan sa Syria

Nagpapatuloy ang tensyon sa north-eastern Syria matapos tangkain ng Islamic State fighters na pasukin ang Kurdish-run prison at itakas ang mga bilanggo.

Ayon sa report, patuloy na nilalabanan ng Kurdish-led forces na suportado ng US air strike ang mga militants sa Hasaka city mula pa noong Huwebes.

Base sa report, umabot na sa 84 na IS members at 45 Kurdish fighters ang nasawi sa sagupaan.

Napag-alaman na ang Ghwayran prison ay mayroong 3,500 suspected IS members kabilang ang ilang leader nito.

Daan-daang jihadists naman ang agad na naibalik sa piitan habang marami pa rin ang pinaghahanap. Kaugnay nito, pinalibutan ng Kurdish security forces ang kulungan at lumalaban para makontrol ang lugar.

Samantala, maraming residente ang napipilitang umalis sa kanilang mga bahay dahil sa pangambang maipit sa labanan