Inihayag ng OCTA Research Group na ang Lapu-Lapu City, Mariveles, at Cebu City ang may pinakamataas na COVID-19 infection rates nitong nakaraang linggo.
Batay sa latest data mula July 10 hanggang July 16, iniulat ng OCTA na sa Mariveles, Bataan, tumaas sa 57 ang bilang ng COVID-19 cases mula sa 23 na naitala ng nakaraang linggo, na mayroong “very high” infection rate of 1.85 at “very high” 40.66 incidence rate.
Tumaas din ang mga kaso ng coronavirus sa Lapu-Lapu City sa 49 ngayong linggo mula sa 29 cases noong nakalipas na linggo. Mayroong “very high” 1.70 infection rate at “high” 10.94 incidence rate ang siyudad.
Sa Cebu City naman, nakapagtala ng 98 cases ngayong linggo mula sa dating 72 na mayroong “very high” 1.42 infection rate at moderate 9.68 incidence rate.
Ang Iloilo City, Davao City, Cagayan de Oro, at Tagum ang may pinakamataas na ICU utilization rates na 97 percent, 95 percent, 86 percent, at 86 percent.
Mababatid na nakapagtala kahapon ang bansa ng 5,676 bagong COVID-19 cases, dahilan para pumalo na sa 1,496,328 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.