PSA – Sorsogon hindi na magsasagawa ng house to house para sa pre-registration ng Philsys, online registration ipapalit

SORSOGON CITY – Hindi na magsasagawa ng house to house ang Philippine Statistics Authority (PSA)-Sorsogon para sa Step 1 ng National ID Registration sa oras na natapos na lahat ng mga priority barangays.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa pahayag ni PSA-Sorsogon Focal Person Ian Barbin, sinabi nito na sa halip na house to house ay pinalitan na nila ito ng online registration kung saan ang pagbubukas ng online appointment ay kanilang sisimulan sa buwan ng Agosto.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kaugnay nito, payo ng opisyal sa mga nagparehistro online na maghintay lamang ang mga ito dahil ipapaalam naman sa kanila sa oras na magbibigay na sila ng appointment, hudyat na maari na silang magtungo sa mga registration centers para magparehistro.