‘Protocol na pinapayagan ang paglabas ng mga bata, dapat i-review dahil sa local cases ng Delta variant’

Dapat umanong i-review ng gobyerno ang desisyong payagan na ang mga batang may edad lima pataas na makalabas ng bahay ngayong na-detect ang local cases ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variant. 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang pag-aralan muli ang protocol dahil mayroong factor na kailangang ikonsidera. 

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Gayunman, binigyang diin ni Vergeire na naglatag naman ang pamahalaan ng safeguards nang payagan ang mga bata na lumabas ng bahay sa mga specific facilities sa mga lugar na nakasailalim sa modified general community quarantine at general community quarantine, maliban sa mga nakasailalim sa heightened restrictions. 

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Aniya, pag-uusapan ang mga restrictions na ito, mahigpit na imo-monitor at patuloy na ia-assess para makapag rekomenda sa Inter-Agency Task Force Against COVID-19.

Mababatid na sa ngayon, pumalo na sa 35 ang kabuuang Delta variant cases sa bansa kung saan 11 ang local cases at dalawa na ang nasawi.