CAMARINES NORTE- Natimbog ng mga mga tauhan ng Sta. Elena MPS sa pangunguna ni PMAJ KIM LAWRENCE R ARENAS, Chief of Police sa ikinasang buybost operation ang isang lalaki matapos na mabilhan ito ng marijuana dakong alas 12:00 ng madaling araw nitong Pebrero 21, 2022 sa Purok 7, Brgy San. Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas “Jhon” 20 anyos na binata at residente ng nabanggit na bayan
Nakuha sa operasyon ang mga dahon ng marijuana na nakabalot sa papel (item of sale) na tinatayang umaabot sa halagang Php1,500.00, isang pirasong Php 500.00 na buy-bust money, isang Php 1,000.00 na boodle money at isang Euro Single Motorcycle na kulay blue na walang plaka.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Sta. Elena MPS habang ang mga nakumpiskang iligal na droga ay dinala sa Camarines Norte Provincial Forensic Unit para sa eksaminasyon.
Kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 ang inihahanda ng kapulisan para sa pagsasampa ng kaso sa korte laban sa suspek.
