Napabilang sa Guinness World Record ang 1,304 na piraso ng anime memorabilia ng isang french fan ng studio ghibli anime films na si Eloise Von Velvet matapos bilangin ang lahat ng kanyang koleksyon.
Ayon kay Velvet, anim na taon pa lamang siya nang makahiligan na ang panonood ng anime, ito ay dahil umano sa binili ng kanyang ina na Princess Mononoke DVD at noong 2007 ay nakatanggap sya ng regalo mula sa kanyang kapatid na naging simula ng pangongolekta ng iba’t-ibang anime action figures.
Dagdag pa nito, ang kanyang mga koleksyon ay hindi lang mga laruan, statues, music box kundi iba pang mga item na hango sa mga anime series na Spirited Away, Princess Mononoke, Howl’s Moving Castle, Ponyo, Kiki’s Delivery Service, Grave of the Fireflies at My Neighbor Totoro.
Itinuring na ni Velvet na parte ng kanyang buhay ang mga koleksyon kaya naman hindi raw siya titigil sa pagkolekta nito at nagpaplano rin syang bumili ng malalaking anime action figures.
Samantala, ang Studio Ghibi, ay nakabase sa Tokyo, Japan at itinatag noong 1985 nina Hayao Miyazaki and Isao Takahata at ang pinakaunang anime film na nanalo sa Oscar ay ang Spirited Away noong 2003.### ROWELYN SARALDE, Intern