Maria Ressa, pormal nang tinanggap ang kaniyang Nobel Peace Prize award

Pormal nang tinanggap ni Rappler chief executive officer Maria Ressa ang kaniyang Nobel Peace Prize award sa Oslo, Norway nitong Biyernes.

Gumawa si Ressa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipino na nakatanggap sa nasabing pagkilala.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Siya rin ang unang babae na na-awardan ng Nobel Prize ngayong taon.

Napanalunan ni Ressa ang award kasama ang Russian journalist na si Dmitry Muratov.

Sa acceptance speech ni Ressa ay sinabi niya na nagsisilbi siya bilang representative ng bawat journalists sa buong mundo na napipilitang magsakripisyo upang maghatid ng katotohanan.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Kasabay nito ay binatikos ni Ressa ang American tech giants dahil sa panglalason nito sa global information ecosystem na biased aniya laban sa facts at journalists.