Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga Cebuanos na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang development sa probinsya, kasabay ng pasasalamat nito sa suportang nakuha mula sa lugar noong nakaraang halalan.
Sa kanyang speech sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City, sinabi ni Marcos na inaasikaso ngayon ng pamahalaan ang implementasyon ng big-ticket infrastructure projects upang mapalakas ang development hindi lamang sa probinsya, kung ‘di maging sa buong Pilipinas.
Ipinangako rin nito ang pagtupad sa mga pangakong inilatag nito noong kampanya katulad ng mga usapin sa agrikultura, energy, at micro, small, and medium enterprises (MSMEs), kasabay ng pagmamalaki na ang Pilipinas ay ang “the fastest growing country in the world” pagdating sa ekonomiya.
Pagtitiyak ng pangulo sa mga taga-Cebu – nasa tamang direksyon ang gobyerno. //SM, edited MHEL PACIA