Na-rescue ang higit 19,000 mga menor de edad mula sa illegal child labor practice sa Davao region mula 2018 hanggang 2022.
Ayon kay DOLE-11 Regional Director Pensoy, ang nasagip nilang 19,455 na mga bata ay katumbas ng 77.56% accomplishment rate sa child labor issues sa nakalipas na mga taon.
Paliwanag ni Pensoy, karamihan sa child labor cases ay nangyayari sa framing, fishing, mining, at domestic works.
Dagdag pa niya, as of March 2023, mahigit 90% ng mga bata, o kabuoang 6,142 na nasa workplaces ang umalis na sa kanilang trabaho.

Sa huli, sinabi ng opisyal na ang child labor ay nakaaalarmang issue na pumipigil sa mga kabataan na magkaroon ng karapatan sa edukasyon, kalusugan, at ligtas na pagkabata.
Upang tugunan umano ito ay inihanda ng DOLE-11 ang isang comprehensive strategy sa pag-rescue ng mga bata mula sa pagtatrabaho, at pagpo-provide ng oportunidad sa mga ito para sa mas magandang kinabukasan. //SM, edited MHEL PACIA