Sistema sa promotion, performance rating sa PNP, may depekto daw

Sang-ayon si Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers sa obserbasyon ng National Police Commission (Napolcom) na ang system of promotion at performance rating ng anti-drug police operatives ng Philippine National Police (PNP) ay ‘flawed’ o may depekto.

Batay kay Napolcom Vice Chairman Alberto Bernardo, kine-credit ng promotion system ng ahensya ang bilang ng arrests at confiscation na nagdudulot ng peke at fabricated na mga “accomplishments.”

Ani Barbers, kung titingnan – dahil sa pekeng mga accomplishments, napo-promote ang isang pulis hanggang sa makarating ito sa mataas na puwesto at makayanang ikontrol at impluwensyahan ang organisasyon.

Nasanay na raw ang mga ito sa ilegal na gawain dahil kung bakit sila nagkaroon ng malaking bahagi sa kabuoang  drug syndicate.

Maliban sa promotion, higit na nakababahala raw ay yung reward, pera, at pagkakalusot ng malaking chunk ng drug haul, bilang ibang uri ng reward sa mga pulis.

Sa huli, mariing sinabi ng mambabatas na sinusuportahan nila ang Napolcom kaya asahan din umano ng komisyon ang pagsang-ayon ng committee on drugs. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *