Papalo pa sa halos 40 million eligible Filipinos ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang first COVID-19 vaccine booster shot.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 55 million Filipinos ang eligible na makatanggap ng first booster shot.
Sa naturang bilang, 15.2 million Filipinos ang nakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19.
Samantala, sinabi ni Vergeire na mahigit 70 million Filipinos ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Dahil dito, magsasagawa ang DOH ng house-to-house vaccination para sa mga senior citizens, at hihilingin ang tulong ng Department of Education, Department of Labor and Employment, DILG, at sa iba pang ahensya ng gobyerno para maging whole-of-government approach pa rin. // MHEL PACIA