Planong tapatan ng grupong MANIBELA ang unity walk na isinagawa ng pro-PUVMP groups.
Ito ay kasunod ng isinagawang pagkilos ng mga miyembro ng kooperatiba at korporasyong pabor sa Public Transport Modernization Program ngayong araw upang iparating kay Pangulong Bongbong Marcos na huwag suspendihin ang naturang programa.
Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, posible raw nilang isagawa ito sa susunod na linggo pero sa ngayon ay naghihintay muna sila ng resolusyon mula sa kamara para magkaroon ng joint resolution ang senado at kongreso para mas lalo itong masuportahan ng Pangulo.