Panibagong pakete ng umano’y shabu, natagpuan sa baybayin ng Abulug, Cagayan

Matapos ang magkakasunod na pagkatagpo sa tatlong pakete ng shabu sa mga baybayin na sakop ng Cagayan na mayroong nakasulat na Chinese character ay muli na namang may natagpuan kahapon sa bahagi ng Abulug at Ballesteros, Cagayan.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, isang mangingisda ang nakakita sa isang light blue vacuum pack na umano’y naglalaman ng shabu at kasalukuyang inaalam pa ng awtoridad kung magpopositibo ito sa Methamphetamine Hydrochloride.

Matatandaan na una nang narekober ang kaparehong pakete sa magkakaibang araw sa baybaying sakop ng Sanchez Mira, Fuga Island, at Calayan.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Patuloy naman ang panawagan ng kapulisan na agad isangguni sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang marerekober na kaparehong kontrabando sa mga baybayin o anumang kahina-hinalang bagay.|FOR BBU