MANIBELA – papasada pa rin sa kabila ng pagtatapos ng franchise consolidation

Idiniin ng grupong MANIBELA na kahit na paso na ang deadline para sa franchise consolidation – mamamasada pa rin sila.

Sabi ni MANIBELA president Mar Valbuena, kahit na magkaroon na ng hulihan ng mga PUVs na ‘di nagpa-consolidate ay ba-biyahe pa rin sila sa kalsada.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Muli namang iginiit ni Valbuena na ‘di sila tutol sa modernization; ‘Yun nga lang, dapat ay hindi sila mawalan ng pangkabuhayan.

Aniya, dapat ay magkaroon ng ‘win-win’ solution ang Gobyerno kung saan, ‘di naman talo ang mga tsuper.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Bago ito, una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na kahit na bawal na ang mga unconsolidated PUVs sa kalsada, mabibigyan pa sila ng hanggang sa dalawang linggo dahil daraan pa rin sila sa due process.