Kinumpirma ng White House na kasama sa pinag-usapan nina President Joe Biden at Saudi Arabia King Salman ang tungkol sa energy supplies gayundin ang development sa Middle East kasama ang usapin sa Iran at Yemen.
Napag-alaman na ibinahagi ni King Salman ang paghahangad niya sa pagpapanatili ng balance at stability sa oil markets kasabay ng pagbibigay diin sa kahalagaham ng pagpapanatili sa OPEX+agreement.

Tiniyak naman ni Biden ang commitment ng US na suportahan ang Saudi Arabia sa pagdepensa laban sa pag-atake ng Iran-aligned Houthi group ng Yemen.
Ibinahagi din ni Biden kay Salman ang international talks kaugnay sa pagri-restablish sa paglilimita sa nuclear program ng Iran.
Kaugnay nito ay sinabi ni Salman kay Biden na nais ng Saudi na magkaroon ng political resolution sa Yemen.