Mambabatas, naniniwalang dapat may third party oversight sa construction sa bagong gusali ng Senado

Dinepensahan ni Zambales First District Rep. Jay Khonghun ang kanyang suporta sa pagpapahinto at pagre-review muna sa konstruksyon ng bagong Senate building.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Konghun, sinabi nitong ang hakbang na ito ay bahagi lang ng check and balance.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nanindigan si Konghun na dapat tiyakin ang comprehensive review ng konstruksyon, maging ang cost reduction.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Higit sa lahat, pinakamahalaga umano na dapat magkaroon ng third party oversight, at ‘enhanced coordination’ ng Senado, DPWH, at kontraktor.