DMW, nakikipag-ugnayan na sa pamilya ng 11 mga Pilipinong nadamay sa sunog sa Kuwait

Labing-isa ang kabuoang bilang ng mga Pilipinong apektado ng naging sunog sa isang gusali sa Kuwait.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Department of Migrant Workers (DMW) secretary Hans Leo Cacdac, kinumpirma nitong mayroong tatlong mga lubhang nasugatan sa insidente.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Dalawa rito ay kritikal; habang ang isa’y nasa ‘less serious situation’.

Ang mga ito’y nakatira sa dormitoryo kung saan ay mga trabahante sila sa construction.

Sa ngayon, nakikipag-coordinate na raw sila sa pamilya ng mga nasugatang overseas Filipino workers (OFWs).

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Tiniyak ni Cacdac ang tulong ng ahensya, at handa rin umano silang i-repatriate ang mga ito sakali mang kailanganin.

Sa kabuoan – umakyat na sa halos 50 ang bilang ng nga namatay sa sunog.