8 barangay opisyal kinasuhan dahil sa pangingialam sa ayuda

Sinampahan ng kaso ang walong barangay opisyal ng Barangay Sinawilan, Matanao, Davao del Sur dahil umano sa pangingialam sa ayudad para sa mga magsasaka at mangingisda na dala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbisita nito sa nasabing probinsiya.

Isinampa ang kaso sa ospisina ng Ombudsman sa Davao City sa paglabag sa R.A 3019 o Anti-Graft And Corrupt Practices Act at R.A6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ayon kay Atty. Vanessa Goc-ong ang Regional Director sa Department of Social Welfare and Development – XI na magsisilbi itong sample para sa iba pang opisyal na mangingialam ng ayuda.

Dagdag ni Goc-ong na sinuportahan nila si Anne Villarin ang una nang nagbulgar ng pangingialam ng mga barangay opisyal sa ayudad nitong natanggap na nag-viral sa social media.

Nanawagan si Goc-ong sa mga beneficiary na h’wag matakot magreklamo para masampahan ng kaso ang sinomang nakialam sa natanggap nilang ayuda.

Matatandaan na inamin sa interview ng Brigada Davao ni Kagawad Ismael Mabaya sa nasabing barangay na hinati-hati nila ang natanggap na ayudad para sana sa mga magsasaka at mangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *