Maliit na kita daing ng mga pedicab driver

NAGA CITY- Mahirap nang mapuno ng barya ang palad ngayon para sa mga pedicab driver sa Liboton Naga City.

Kakaunti ang pasahero araw-araw at sa tingin nila dahil ito sa matinding init ng panahon na nararanasan , umabot sa 45.9°C ang heat index sa lugar nitong Martes Abril 9, 2024 base sa tala ng Typhoon2000 (T2k) Network of Automated Weather Stations (AWS) sa lungsod. Kasama sa nakikita nilang paghina ng kita ang pagpapatupad ng asynchronous classes ng DepEd noong Lunes at nasaundan ng dalawang holiday.

Ang 28-anyos na si “Jevin”, may proteksyon sa init , nag titigaya para sa pangangailangan ng pamilya lalo na may 4-anyos na anak. Kahit papaano aniya nakaka uwi naman ng P150.00.

Sa kabilang banda, sinabi ng buko  juice vendor na si Diana Rose Fegi, maganda ang takbo ng negosyo niya ngayon dahil marami ang napapahinto at bumibili ng pamatid uhaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *