Wang-wang – bawal na!

Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbabawal sa mga government officials, at mga personnel na gumamit ng wangwang, blinkers, at iba pang mga signaling o flashing devices.

Sa inilabas na administrative order no.18, nakasaad na na-obserbahan ang hindi otorisado at pagkalat ng mga gumagamit ng wangwang, at iba pag devices na nagdudulot ng pagka-antala sa trapiko at hindi ligtas na traffic environment.

Exempted naman sa direktiba ang mga sasakyan ng Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Firetrucks, hospital ambulances, at iba pang emergency vehicle.

Samantala, nagpalabas rin ng Executive Order no 56. na layong i-regulate ang pag isyu ng mga protocol license plates sa mga opisyal ng pamahlaan, dahil din sa mga reklamo ng pagdami at hindi otorisadong pag gamit.

Sa ilalim ng EO56, ang ibibigay na protocol license plate ay hanggang number 14 na lamang.

Kasama dito ang para sa Pangulo na number 1 ang plaka, No.2 para sa Vice President, 3 sa Senate President, 4 para sa House Speaker, 5 Supreme Court Chief Justice, 6 para sa mga Cabinet Secretaries, 7 ay senators, 8 sa mga kongresista, 9 associates Justices ng Supreme Court.

Pinapayagan din ang mga Presiding Justice ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at Solicitor General na magkaroon ng protocol license at itinakda ang numerong 10, 11 para sa Chairperson ng Constitutional Commission at Ombudsman, at number 14 para sa Chief of Staff ng AFP at PNP Chief.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *