Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho – bahagyang bumaba nitong Pebrero

Nabawasan nang bahagya ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) – naitala ang unemployment rate nitong Pebrero sa 3.5%, ‘o katumbas ng 1.8million jobless Filipinos.

Ito ang isa sa pinakamababang unemployment rate mula nitong Disyembre.

Mas mababa rin ito sa 2.15million jobless Filipinos nitong Enero.

Naitala naman ang underemployment sa 12.4%; habang ang employment rate ay nasa 96.5%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *